Reklamo ng Pinoy

Sa artikulong ito, ililista ko ang mga reklamo ng isang tipikal na Pinoy. (o akin lang ang mga ito?)

Nakakatawa man o hindi, marami ka talagang mairereklamo sa buhay kahit na sinasabi mo sa sarili mo na hindi ka maarte.

Reklamong ng Pinoy

Susubukan kong dagdagan araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan o taun-taon itong mga reklamo ko o natin. Enjoy!

  • Kapwa ko pasahero sa jeep na hindi nagaabot ng pamasahe kahit malapit sya sa drayber.
  • Hindi kalamigang aircon ng MRT kahit na hindi ito puno ng pasahero, katirikan pa ng araw. (hay)
  • Serbisyo ng mga crew at amoy basahan na kainan ng Chowking. (consistent ito sa halos lahatng branch na kinainan at tinambayan ko)
  • Yung double pump na 3pt shot ni Jayson Castro Williams laban sa Argentina noong FIBA 2014 saSpain.(okay lang, nanalo naman tayo sa Senegal! After 40 years! Yahoo!)
  • Walang kamatayang mga teleserye sa istasyon ng ABSCBN, GMA at TV5. (puro iyakan, sampalan,nawawalang anak at paghihiganti. Bwiset!)
  • Post sa Facebook na puro HASHTAG. #angartekono #puroakoreklamotaena
  • Holdaper, Snatcher, Rapist, Carnapper, Kidnapper. Manggagancho, Mamamatay Tao, Corrupt na Pulitiko,mga taong nang hi-hypnotize sa mall para makuha ang gamit o pera ng biktima (totoo kaya ito?), Akyat Bahay Gang,Terrorista, Suicide Bomber (swerte natin sa Pinas hindi ito uso), mga taong mahilig manira ng ibang tao o organisasyon sa harap ng keyboard (Duwag! Ay teka, isa ba ako dito?) at napakadami pa tama? (imposibleng isa man dito, hindi ka sasang-ayon)
  • Taxi drayber na ayaw magsakay ng pasahero na hindi nya daw ruta o dadaanan yung lugar napupuntahan ng sasakay. (gago ka ba? Kaya ka nga taxi eh. May batas tayo para dito diba?)
  • Si Manny Pacquiao, pinakyaw na lahat ng pwedeng magawa ng isang tao sa buhay nya. (Boksingero,Basketbolista na, Coach pa, Pulitiko, Mangaawit, Aktor, TV Host, meron pa ba?). Teka, mali ba itong ginagawa nya? O sinusulit lang nya ang buhay nya dahil minsan lang mabuhay ang isang tao? Anuman ang kanyang naiisip, nagkakapera padin sya.
  • Mga badyaw o badjao na gumagamit ng tambol at kumakanta ng kantang hindi maintindihan. Nakakainis pero nakaka-awa rin kaya’t nagbibigay ako ng dala kong mga barya kahit na magkano.
  • Mga taong nagrereklamo kapag baha. (kung alam nyo lang, mga tinapon nyong basura sa kalsada may dahilan) Isisisi bigla sa gobyerno. Hay!
  • Kapag malamig ang panahon, nagrereklamo. Kapag mainit ang panahon, nagrereklamo. Ano ba talaga mga kuya at ate??
  • Kapag naguusap yung dalawang drayber ng jeep na sabay nakahinto sa trapiko, hindi ko alam kung nagkakaintindihan ba sila o sadyang tumatango nalang yung isang drayber kahit hindi nya naintindihan sinabi ng kausap nya. (just wondering)
  • Mga magnobyo, magnobya, magkabit o magkaibigan (FuBu) na PDA (Public Display of Affection) sa MRT, LRT, Jeep, Bus, Tricycle, Padyak o sa kahit na anong pampublikong sasakyan, kung maaari lang po, GET A ROOM! Unang-una, mahiya naman kayo, may nakakakita sainyong hindi nyo kakilala, pangalawa, maaaring may mga batang gayahin kayo at higit sa lahat, ang panget nyong tignan! Pwe! (selos? Hahaha!)
  • Totoo kaya ang mga paratang kay Vice President Jejomar Binay?

Teka teka, Ikaw ba? May gusto ka bang ibahagi na reklamo sa buhay? Isulat sa comment sa ibaba! Magkuro-kuro tayo!

Sana kahit papano natanggal ko ang iyong stress o napakamot ka nalang sa ulo at sinasabi sa sarili na, mukhang totoo nga itong sinasabi ng kumag na ito at mukhang wala ng iuunlad itong bansa kong Pilipinas.

Nagkakamali ka, oo marami tayong pwedeng ireklamo, sa sarili palang natin eh. Pero kung tutuusin, marami rin naman tayong pwedeng ipagmalaki bilang Pinoy na naninirahan sa Bansang Sinilangan.

Abangan mo susunod kong artikulo, tungkol naman ito sa bakit ko mahal ang bansa kong Pilipinas, kapwa ko Pilipino at higit sa lahat, bakit ko kayo mahal (naks!).

Maraming salamat sa pagbabasa.

Sa susunod uli,

Paalam,
Drewpogi69

Image by: LINK

2 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s